Kasalukuyang sarado ang Bolinao Falls sa Bolinao, Pangasinan sa lahat ng turista at bisita dahil kasalukuyan itong nakararanas ng above normal na lebel ng tubig, malakas na water current at maputik na kondisyon ng tubig sa talon.
Humingi naman ng paumanhin ang Bolinao Tourism Office sa anumang abala na dulot ng pagsasara at taos-puso nagpapasalamat sa pang-unawa habang inuuna ang kaligtasan ng lahat ng mga bisita.
Samantala, binuksan na muli sa publiko at sa mga bisita ang Patar Public Beach.
Dagdag dito, patuloy naman ang pagpapaalala ng Bolinao Tourism Office na manatiling maingat sa pamamagitan ng pananatili malapit sa baybayin kung saan madaling masusubaybayan ng lifeguard, at hindi lumampas sa mga breakwaters. | ulat ni Ricky Casipit | RP1 Dagupan