Brownout sa mga sakop ng MORE sa Iloilo, nabawasan ng 90%

Facebook
Twitter
LinkedIn

Bumaba ng 90 porsyento ang power interruption sa Iloilo City.

Ayon kay MORE Power President Roel Castro, kasunod na din ito ng kanilang ipinatupad na modernization efforts mula ng hawakan nila ang power distribution sa lungsod.

Nasa ₱1.5 bilyong piso na aniya ang kanilang na-invest para sa modernization ng kanilang power distribution facilities.

Malaki aniya ang naitulong ng pagbaba ng overloading at illegal connections sa manila para mapababa ang system loss na naipapasa sa mga consumers.

Katunayan, sa Iloilo City aniya may pinakamababang singil sa kuryente ngayon.

Pinuri ni Senador Grace Poe, chairperson ng Senate Committee on Public Services, ang mga inisyatiba ng MORE para masawata ang problema sa brownout noon sa Iloilo.

Ayon kay Poe kung ang isang distribution utility ay responsable, tiyak na magiging maayos ang serbisyo. | ulat ni Michael Rogas

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us