Hiniling ni Bureau of Corrections (BuCor) Director General Gregorio Pio Catapang Jr. ang mabilis na paggaling ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, matapos sumailalim sa elective procedure.
Ayon kay Catapang, maaliwalas nitong nakita ang kalihim nang makipagpulong ito sa mga opisyal ng Department of Justice (DOJ) at humarap sa press conference kahapon, upang ipabatid na sumasailalim ito sa physical rehabilitation upang manumbalik ang kanyang kalusugan.
Sinabi rin ni Catapang, na masaya ang kanilang ahensya na makita si Remulla na bumalik ang sigla nito.
Matatandaang nag-wellness leave ang kalihim noong June 26 upang sumailalim sa pitong oras na procedure, at pinayagang makalabas ng ospital at bigyan ng medical clearance matapos ang limang araw. | ulat ni Gab Villegas