BuCor, iginiit na di riot ang pinag-ugatan ng nangyaring insidente sa loob ng New Bilibid Prisons

Facebook
Twitter
LinkedIn

Hindi riot ang iginiit ng Bureau of Corrections (BuCor) makaraang magkaroon ng gulo sa loob ng Maximum Security Compound ng New Bilibid Prisons (NBP).

Batay sa initial na imbestigasyon ng BuCor, nag-ugat ang naturang insidente matapos mag-usap ang dalawang gang sa pagitan ng Batang City Jail at Bahala na Gang. Mayroong hindi napagkaunawaan ang dalawang gang, dahilan ng pagbunot ng baril ng isang inmate na pinag-umpisahan ng gulo.

Ayon naman kay BuCor OIC-Deputy Director for Operations and NBP Superintendent, Angelina Bautista, umabot sa siyam ang sugatan at isa ang napatay sa naturang insidente.

Si Alvin Barba ang naiulat na namatay at ang siyam na sugatan naman ay sina Ampatuan Misuari, Emmanuel Carino, Makakna Iman, Marlon Cepe, Bernand Marfilla, Franklin Siquijor, Joner Moralde, Heron Supitran, at Ardie Severa.

Dagdag pa ni Bautista na patuloy ang kanilang imbestigasyon sa nasabing insidente at kung papaano naipuslit ni Joseph Serrano ang kanyang baril sa loob ng piitan.

Patuloy pa rin ang clearing at inspeksyon ng mga kubol sa maximum security compound ng BuCor SWAT hingil sa naturang insidente.

Samantala, pansamantalang sinuspende ang visitation hours ng BuCor sa lahat ng mga security compound ng NBP. | ulat ni AJ Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us