Patuloy pang naglalabas ng lava ang bulkang Mayon sa Legaspi, Albay.
Base sa monitoring ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), aabot na sa 2,800 at 1,300 kilometro ang haba ng dumadaloy na lava sa Mi-isi at Bonga gullies at nakapagdeposito na ng collapse debris ng 4,000 metro na mula sa crater.
Sa nakalipas na 24 oras, nakapagtala pa ng 26 na volcanic earthquake ang bulkang Mayon at 303 rockfall events bukod pa sa 3 dome-collapse pyroclastic density current event.
Kahapon, nagbuga ito ng 1,145 tonelada ng sulfur dioxide at pagsingaw na may taas hanggang 1,000 metro. Napadpad ito sa gawing Timog Kanluran at Kanluran-Timog Kanluran.
Nananatili pa ring nasa alert level 3 ang bulkan at mahigpit pa ring ipinagbabawal ang pagpasok sa 6 kilometer radius permanent danger zone. | ulat ni Rey Ferrer