Bureau of Immigration, inilunsad ang bagong s-Services program

Facebook
Twitter
LinkedIn

Upang mas mapabilis pa ang mga programa at serbisyong hatid ng Bureau of Immigration (BI) na makasabay sa mga makabagong teknolohiya, binuksan na sa publiko ang e-Services program para sa mga foreign travelers na tutungo sa bansa.

Ayon kay BI Commissioner Norman Tansingco, layon ng naturang programa na mas mapadali na ang travel ng mga foreign tourist na tutungo sa Pilipinas.

Dagdag pa ni Tansingco na bahagi ito ng kanilang modernisasyon sa BI na malaki ang maitutulong sa mga banyagang nais mag-renew ng kanilang Visa Immigration Clearance Certificate at Tourist Visa Extension na kayang gawin na sa Smart phones.

Sa huli, muli namang siniguro ni Comissioner Tansigco sa publiko na makakaasa ang stakeholders ng BI na patuloy ang kanilang modernization efforts para sa pagpapabuti ng serbisyo at programa ng Immigration system sa ating bansa. | ulat ni AJ Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us