Nais pagtuunan ng pansin ng Bureau of Immigration (BI) ang paglulunsad ng mga makabagong teknolohiya para sa pagpapabilis ng kanilang tanggapan.
Ayon kay Bureau of Immigration Comissioner Norman Tansingco, nais nilang magkaroon ng modernization sa BI para makasabay ito sa mga makabagong teknolohiya sa boarder control ng ibang mga bansa.
Dagdag pa ni Tansinco na kapag naging paperless na ang mga transaksyon sa Bureau of Immigration ay mababawasan na rin ang korapsyon sa kanilng tanggapan.
Kaugnay nito, nais din ng kagawaran na ma-integrate ang kanilang ilulunsad na modernization sa e-travel system na kamakailan ay lumahok na rin sa naturang e-portal system ng pamahalaan. | ulat ni AJ Ignacio