Nakakuha ng suporta ang pamunuan ng Civil Aviation Authority of the Philippines mula kay Senador Raffy Tulfo matapos ang naging courtesy call ng mga opisyal sa tanggapan ni Senador Tulfo sa Senado.
Sa kanilang naging pagpupulong, tinalakay ng mga opisyal ng CAAP at ni Senador Tulfo ang mga isyung bumabalot sa aviation industry ng bansa, tulad ng pagpapabuti sa mga runway sa mga paliparan, air worthiness ng general aviation aircraft, pagsasagawa ng drug testing sa mga piloto at air traffic controllers, at wage distortion sa mga air traffic controllers.
Binanggit rin ng senador ang mga suliranin patungkol sa mga sira sa runway ng mga paliparan, sa pagtiyak na ang mga piloto at mga aircraft ay palagiang na-iinspeksyon at nasusubaybayan.
Nakakuha rin ng suporta at approval mula sa senador ang pamunuan ng CAAP sa pagsisikap nito na maging komportable ang mga pasahero sa mga paliparan tulad ng paglalagay ng breastfeeding stations sa ilang paliparan.
Inirekomenda rin ni Tulfo na maglagay ang CAAP ng capsule beds at rest locations sa mga airport pre-departure areas at pagtatayo ng breastfeeding stations sa marami pang paliparan upang makapagbigay ng ginhawa sa mga pasahero. | ulat ni Gab Humilde Villegas
📷: CAAP