Nakatanggap ng cash incentive mula sa pamahalaang lungsod ang ilang estudyanteng Kankaloo na nagkamit ng ‘highest honors’ sa kanilang mga paaralan.
Personal na ipinamahagi ni Caloocan Mayor Along Malapitan ang tseke na may lamang tig-₱10,000 para sa 35 na mag-aaral na nakakuha ng pinakamataas na marka ngayong school year.
Ayon sa alkalde, layon nitong parangalan ang dedikasyon ng mga estudyante sa pag-aaral.
Umaasa aniya ito na makatulong ang cash incentive sa mga posibleng gastusin ng mga ito sa darating na pasukan, at gayundin para mahikayat ang ibang estudyante na mas pagbutihin pa ang kanilang pag-aaral. | ulat ni Merry Ann Bastasa