CamSur solon, nanawagan sa mga kapwa mambabatas na suportahan ang SONA bills ni Pangulong Marcos Jr.

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nanawagan si Camsur 2nd District Representative Lray Villafuerte sa Kongreso at sa publiko, na suportahan ang SONA bills ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. upang walang mamamayang Pilipino na maiiwan.

Ayon kay Villafuerte, kailangang masustine o mag level ang public investment sa six priority areas na binanggit ng Pangulo upang matupad nito ang kanyang campaign promise.

Kabilang sa priority concerns ng Pangulo ay ang infrastructure, food security, job generation, healthcare, education at social protection sa mga mahihirap at vulnerable sectors.

Nanawagan din ito sa mga kapwa mambabatas, na suportahan ang pagpasa ngayong second regular session ng 19th Congress ang 17 measures na inendorso ng Pangulo na kailagan ng kagyat na action.

Ang sampung panukalang batas ay bagong bills habang ang pito ay mula sa expanded list ng 44 priority bills.

Ito ay ang pagtatag ng Department of Water Resources Management, pension plan for the Military and other Uniformed Personnel (MUP); amendments to the Anti-Agricultural Smuggling Act; at proposed law against financial account scams, easing the payment of taxes, local government unit (LGU) income classification, at ang Philippine Immigration Act. | ulat ni Melany Valdoz-Reyes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us