Cash assistance at construction materials para sa mga nasalanta ng bagyong Egay, tiyak na ipagkalaloob ayon kay PBBM

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kapwa makatatanggap ng cash assistance at construction materials ang mga biktima ng kalamidad at residenteng nasiraan ng tahanan dulot ng bagyong Egay.

Sinabi ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa situation briefing na ang pagbibigay ng tulong pinansiyal ay gagawin lalo’t may mga kailangan ang mga naapektuhan ng bagyo na hindi nila makukuha sa mga natanggap nilang relief.

Sa mga nakaraan kasi sinabi ng Pangulo na sadyang may kailangan pa rin ang mga biktima ng bagyo na wala sa relief goods na naibibigay sa kanila gaya ng gamot, baby care, gatas at iba pa.

Kaugnay nito’y P10k ang tatanggaping cash ng mga may partially damage na kabahayan habang nasa P20k naman ang matatanggap ng may totally damaged houses. | ulat ni Alvin Baltazar

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us