Nanawagan si Senate Committee on Public Services chairperson Senadora Grace Poe sa Land Transportation Office (LTO) na maglatag ng catch-up plan para tugunan ang milyon-milyong backlog sa plaka ng mga sasakyan.
Giniit ni Poe na ang kawalan ng mga plaka ng sasakyan ay maituturing na security risk at isa ring pagkukulang sa mga motorista.
Pinahayag ng senadora na nakakadismaya ang mga motorista ang patuloy na nagsasakripisyo sa kakulangan ng mga plaka gayong nakapagbayad na sila para dito.
Parusa aniya ang pila sa pagpaparehistro o renewal pero-uuwi pa ang mga motorista nang walang plaka.
Kaya naman, sinabi ni Poe na kailangan nang resolbahin ang ganitong problema at kung kinakailangan ay mapanagot ang mga private provider na bigong makapagbigay ng kanilang pinangakong serbisyo o produkto sa pamahalaan.| ulat ni Nimfa Asuncion