Mas lalo pa dapat igiit ng Pilipinas sa China na tumalima sa naipanalo nitong arbitral ruling sa Permanent Court of Arbitration noong 2016 ayon kay Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez.
Ang panawagan ng kinatawan ay kasabay ng ika pitong taong anibersaryo ng makasaysayang panalo ng Pilipinas laban sa territorial claim ng China sa West Philippine Sea (WPS).
“Our government should mark this day with more vigor and more forceful assertion of the ruling and our victory,” ayon sa mambabatas.
Para kay Rodriguez, ang pagsuporta ng US, 16 na European nations at iba pang bansa sa arbitral ruling ay sapat nang dahilan para sundin ng Chna ang desisyon at lisanin ang sinakop na teritoryo na bahagi ng exclusive economic zone ng Pilipinas gayundin ay ihinto na ang pangha-harass sa mga Pilipinong mangingisda.
“Thanks so much our big ally and treaty and economic partner, the United States of America, and to all our supporters in Europe…[this] shows that China has become a pariah insofar as the 2016 arbitral ruling and its harassment and bullying activities in the South China Sea are concerned.” dagdag ni Rodriguez.| ulat ni Kathleen Jean Forbes