Chinese ambassador, bumisita kay DND Sec. Teodoro

Facebook
Twitter
LinkedIn

Malugod na tinanggap ni Department of National Defense (DND) Secretary Gilbert Teodoro si Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian sa pagbisita nito sa Kagawaran.

Sa pagpupulong ng dalawang opisyal, tinalakay ang pagpapaunlad ng relasyong pandepensa ng Pilipinas at China kasunod ng matagumpay na state visit ng Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa China noong Enero.

Ito’y sa pamamagitan ng implementasyon ng mga “existing bilateral mechanism” at “dialogue platform” tulad ng Philippines-China Annual Defense and Security Talks (ADST) na nakatakdang i-host ng China.

Pinuri ni Teodoro ang bisyon ng pagiging malakas na bansa ng China, na katulad aniya ng paghahangad ng AFP na palakasin ang kanilang kapabilidad upang makapag-ambag sa pagtataguyod ng regional stability.

Sinabi ni Teodoro na ang pagpapalakas ng kakayahang pandepensa ng Pilipinas ay kahanay ng pambansang interes. | ulat ni Leo Sarne

📷: DND

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us