CHR, nabahala sa kasong pangha-harass ng mag-asawang pulis sa mga journalist sa Leyte

Facebook
Twitter
LinkedIn

Umaasa ang Commission on Human Rights (CHR) na magiging patas at walang papanigan ang imbestigasyon sa kaso ng tatlong journalists na hinarass ng mag-asawang pulis sa Pastrana, Leyte, noong Hulyo 14.

Kasabay nito ang panawagan din ng CHR, na proteksyunan ang mga mamamahayag para sa kanilang kaligtasan.

Sa inilabas na pahayag ng CHR, lubha silang nabahala sa panggigipit at pangha-harass sa mga journalist na sina Lito Bagunas, Noel Sianosa at Ted Tomas ng San Juanico TV, na nag-cover ng land dispute na kinasangkutan ng mag-asawang pulis.

Nakita sa video ang agresibong pagkilos ng mga pulis laban sa mga journalist habang kumukuha ng video, gayundin ang pang-aagaw ng cellphone at pagpapaputok ng baril.

Kinilala ng CHR ang mabilis na pagtugon ng PNP Western Visayas sa pagsibak sa mag-asawang sina Police Staff Sergeant Rhea May Baleos at asawang si Police Staff Sergeant Ver Baleos, na kasalukuyan nang iniimbestigahan.

Tiniyak naman ng CHR na may isasagawa din silang parallel investigation sa kaso.

Muli silang nagpaalala sa lahat ng pulis, na sumunod sa PNP Operational Procedures.

Dapat ding magawa ng media ang kanilang trabaho nang walang pananakot at pagbabanta. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us