Matapos na makumpleto ang paglilinis sa tumagas na langis sa lumubog na barko sa Oriental Mindoro, rehabilitasyon naman ng mga apektadong lugar ang susunod na pagtutuunan ng pansin ng National Task Force on the Oil Spill Management.
Ito ang inihayag ni Civil Defense Administrator Undersecretary Ariel Nepomuceno sa pagpupulong ng Task Force kahapon.
Ayon kay Nepomuceno, naghahanda na sila ng Post Disaster Needs Assessment o PDNA para sa mga programa, proyekto at mga aktibidad na ipatutupad sa mga apektadong lugar.
Base sa datos, as of July 4, kabuuang 42,487 pamilya sa MIMAROPA, Calabarzon, at Region 6 ang naapektuhan ng oil spill.
₱4.9 billion na pinasala naman ang tinamo ng sektor ng pangingisda sa MIMAROPA at Region 6.
Habang ₱867.2 milyon na tulong naman ang naipaabot ng pamahalaan sa mga apektado ng oil spill. | ulat ni Leo Sarne
📷: OCD