COA Chair at dating NTC Commissioner Cordoba, tumanggap ng pagkilala mula sa Japanese Government

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ginawaran ng Japanese Government ng Order of the Rising Sun, Gold Rays with Neck Ribbon si Commission on Audit (COA) Chairperson at dating National Telecommunications Commission (NTC) Commissioner Gamaliel Cordoba, sa isinagawang conferment ceremony sa official residence ng Japanese Ambassador sa Makati City.

Iginawad ni Japanese Ambassador to the Philippines Kazuhiko Koshikawa ang pagkilala kay Cordoba, dahil sa kanyang ambag sa pagsusulong ng kooperasyon sa pagitan ng Japan at Pilipinas sa larangan ng telecommunications.

Sa kanyang congratulatory message, kinilala ni Ambassador Koshikawa ang mahalagang papel ni Cordoba sa pagkakaroon ng ISDB-T sa Pilipinas. Ang ISDB-T ang siyang terrestrial digital television-broadcasting standard na ginagamit ng Japan.

Dagdag pa ng ambassador, naging matagumpay ang paglulunsad at roll-out ng ISDB-T sa bansa dahil sa pagsisikap ni Cordoba, sa pamamagitan ng kooperasyon nito sa public at private sector ng Japan. | ulat ni Gab Villegas

 ðŸ“¸: Embassy of Japan in the Philippines

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us