Naglunsand ang Commission on Elections (COMELEC) ngayong araw ng Internet Voting Demostrations na gagamitin para sa Overseas Absentee Voting sa darating na Midterm Elections sa 2025.
Ayon kay COMELEC Chairperson George Erwin Garcia, layon ng naturang voting demonstration na magkaron ng makabagong options ng pagboto ang ating mga kababayan na nagtatrabaho sa ibayong dagat na ma-exercise ang kanilang karapatang bumoto sa pagpili ng mamumuno sa ating bansa.
Dagdag pa ni Gacia na malaking tulong ito lalo na sa ating mga kababayan na malayo sa mga embahada at mga konsulado ng ating bansa.
Kaugnay nito, bahagi rin ng naturang demonstration ang mga ‘it companies’ na magpe-present ng mga naturang online voting demostrations kabilang na ang Smartatic, Miru, Dermalog, Indra, E-Corp, Tambuli Labs, Voats, at Thales. | ulat ni AJ Ignacio