COMELEC, nakatakdang simulan ang pilot testing para sa mas maagang oras ng pagboto ng mga senior citizen para sa BSKE

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nakatakdang simulan ng Commission on Elections (COMELEC) ang pilot testing para sa mas maagang voting hours para sa mga Senior Citizens ngayong Barangay at Sangguniang Kabataan Elections sa Oktubre 30.

Sa isinagawang press briefing kanina sa Bacoor, Cavite, sinabi ni COMELEC Chairman George Erwin Garcia na nakatakdang simulan ang nasabing pilot testing sa Muntinlupa City at Naga City kung saan maaaring makaboto ang mga nakatatanda mula alas-5:00 hanggang alas-7:00 ng umaga.

Sinabi rin ni Chairman Garcia na hindi na kailangan na magpre-register ang mga senior citizen upang makaboto ng mas maaga sa mga presinto.

Samantala, nauna nang sinabi sa isang pulong balitaan na makakakuha ng karagdagang P2,000 honoraria ang Board of Election Inspectors sa Muntinlupa at Naga.

Sa oras na maging matagumpay ang nasabing proyekto ay ipatutupad sa buong bansa ang early voting pagdating ng 2025 midterm elections. | ulat ni Gab Villegas

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us