Commitment ng Marcos administration na iangat ang buhay ng mga Pilipino, binigyang diin ni Pangulong Marcos Jr.

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang distribusyon ng iba’t ibang government assistance para sa mga benepisyaryo sa Northern Samar.

Kabilang sa mga ito ang higit 21,000 bags ng certified rice seeds, 300 bags ng hybrid rice seeds, fertilizer discount vouchers, at tig-P5,000 financial assistance para sa 1,220 farmer-beneficiaries sa Northern Samar. 

Itinurn-over rin ang (2) 4-wheel drive tractors, (3) multi-cultivators, (4) pump irrigation system, (1) cacao processing facility, (16) deep sea fish aggregating devices o paya, at iba pang agri livelihood projects.

Ayon kay Pangulong Marcos, ang national government ay handang umalalay sa pangangailangan ng mga Pilipino, lalo’t layon ng administrasyong iangat ang buhay ng mga Pilipino sa buong bansa.

Para naman sa maliliit na negosyante, ang pamahalaan ay patuloy rin aniya sa paghahanap ng paraan, upang mapasigla ang kanilang sektor.

“Kaya’t kailangan nating pasiglahin at buhayin ‘yang sector na ‘yan. Kaya’t ‘yan po ang aming ginagawa ngunit kagaya ng sabi ko, mayroon pa ring nangangailangan ng tulong kaya tinitiyak din namin, mayroon din kami dito, na makapagbigay ng tulong sa ating mga cooperative,” pahayag ni Pangulong Marcos Jr.

Tumungo rin ang Pangulo sa “Kadiwa ng Pangulo” sa Catarman, Northern Samar, kung saan nasa 39 na sellers ang nakibahagi, 15 DTI Diskwento Caravan exhibitors, DSWD Sustainable Livelihood Program Associations at LGU exhibitors. 

“To date, the Marcos administration has already conducted 7,283 Kadiwa activities, generating P697.87 million in sales and benefiting 1.84 million households and 3,017 farmers’ cooperatives and associations and agri-fishery enterprises in the country.” ayon kay Presidential Communications Office Secretary Cheloy Velicaria-Garafil.

Habang bumisita rin ang Pangulo sa isinagawang Job Fair na inorganisa ng Department of Labor and Employment (DOLE), kung saan nasa 30 local employers na mayroong 328 local job vacancies ang naging available para sa publiko.

“The DTI and the DA also provided special frontline services during the job fair along with the Philippine Statistics Authority (PSA), Social Security System (SSS), Pag-IBIG Fund, Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) and Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).” saad ni Secretary Garafil. | ulat ni Racquel Bayan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us