Pormal na binuksan ni Bukidnon Rep. Jonathan Keith Flores ang community pantry para sa mga pamilyang naapektuhan ng pagbaha sa kaniyang distrito.
Una itong inilunsad sa Brgy. Managok na siyang pinakanasalanta.
Ang mga residente ay nakakuha dito ng bigas, gulay at itlog.
Hiningi ng mambabatas ang tulong ng city agriculture para makuha ang suplay mula sa mga magsasaka.
Naging posible ang community pantry sa pamamagitan ng ipinaabot na P500,000 cash aid ni Speaker Martin Romualdez.
Malaki naman ang pasasalamat ni Flores sa tulong ng House leader at Tingog party-list para sa mga kababayan.
“On behalf of my constituents, I give my heartfelt thanks to House Speaker Martin Romualdez; his wife, Tingog Party-list Rep. Yedda Marie Romualdez; and Tingog Party-list Rep. Jude Acidre for their assistance that made this community pantry possible. We will not forget your compassion,” | ulat ni Kathleen Jean Forbes