Nagpapatuloy ang Cope Thunder 2023 Exercise sa pagitan ng Philippine Air Force at United States Air Force, upang mapahusay ang interoperability ng dalawang pwersa.
Mula Clark Air Base sa Mabalacat City, Pampanga, lumapag ang mga kalahok sa pagsasanay sa Benito Ebuen Air Base sa Lapu-Lapu City, Cebu.
Kabilang dito ang apat na FA-50 Fighter Jets at dalawang A-29B Super Tucano mula sa Philippine Air Force at limang A-10 Warthogs mula sa US Air Force.
Ayon kay Philippine Air Force Spokesperson Colonel Ma. Consuelo Castillo, magsasagawa ang mga kalahok ng iba’t ibang air operations exercises sa mga lugar sa Mactan at General Santos City.
Nagsisilbi rin ito bilang simulation ng deployment ng 5th Fighter Wing para sa Pitch Black Exercises sa susunod na taon. | ulat ni Leo Sarne
📸: PAF