Sa gitna ng pagbaba ng COVID cases sa National Capital Region (NCR) at ilan pang lalawigan, tumataas naman ang kaso ng COVID-19 na naitatala sa Albay.
Ayon sa OCTA Research Group, umakyat ang
7-day positivity rate o bilang ng mga nagpopositibo mula sa mga na-test para sa COVID-19 sa naturang lalawigan.
Sa datos na inilabas ni OCTA Research Fellow Dr. Guido David, as of June 30 ay umakyat sa 21.6% ang positivity rate sa Albay mula sa 14.8% noong nakaraang linggo.
Ayon kay Dr. David, posibleng isa sa dahilan nito ang pananatili ng mga residente sa mga evacuation center habang nagpapatuloy ang pag-aalburoto ng Bulkang Mayon.
Samantala, iniulat din ng OCTA Research Group na nasa low risk na ang COVID situation sa Metro Manila.
Ito’y matapos na bumaba sa 5% ang 7-day testing positivity rate sa NCR. | ulat ni Merry Ann Bastasa