Inaasahan ng Department of Agriculture (DA) na lalawak pa ang pinsala ng Bagyong Egay sa sektor ng pagsasaka.
Ayon kay DA Assistant Secretary Arnel de Mesa, as of July 27 ay umabot na sa ₱53.1-million ang halaga ng pinsala sa agricultural sector ng Super Typhoon.
Gayunman, nagpapatuloy pa aniya ang assessment at validation ng mga damage report sa mga lalawigang tinamaan ng bagyo.
Katunayan, hindi pa aniya natatanggap ng DA ang datos sa pinsala ng Bagyong Egay sa mga pananim sa Cagayan Valley Region.
Sa ngayon, ilan aniya sa mga lalawigang may malaking pinsala sa pananim na palay ang Occidental Mindoro na nasa higit 2,000 ektarya ang natamaan at maging ang Agusan del Sur na higit 1,000 ektarya din ang napinsala.
Tiniyak naman ng DA na nakahanda na ang ayuda nito kabilang ang quick response fund para sa mga magsasakang apektado ng kalamidad.
Nananatiling sapat din aniya ang suplay ng bigas, gulay, karne, at iba pang agricultural products sa bansa sa kabila ng epekto sa mga pananim at livestock ng Bagyong Egay. | ulat ni Merry Ann Bastasa