May nakahanda nang interventions ang Department of Agriculture (DA) para sa mga magsasaka at manginngisdang maaapektuhan ng bagyong Dodong.
Bukod sa mga ipamimigay na binhing palay, mais at mga gulay, may mga gamot ding inilaan para sa mga alagaing hayop.
May alok din ang Agricultural Credit Policy Council ng DA ng Survival and Recovery (SURE) Program at Quick Response Fund para sa rehabilitasyon ng affected areas.
Sa pagtaya ng DA, ilang agricultural areas sa Regions 1-2-3 at Cordillera Administrative Region ang hagip ng pinsala ng bagyo.
Base sa pinagsamang datos ng apat na rehiyon, kabuuang 421,153 ektarya o 78.80% ng national standing crops para sa palay at 302,690 ektarya 71.09% ng mais ang maaapektuhan. | ulat ni Rey Ferrer