Nakapagtala na ng inisyal na Php 225 libong pinsala at pagkalugi ang mga magsasaka na naapektuhan ni Super Typhoon #EgayPH.
Sa ulat ng Department of Agriculture (DA), may 77 magsasaka na ang apektado at 4 na metric tons ng agri-products ang nasira.
Sa ngayon, nasa 40 ektarya ng taniman ng palay ang naapektuhan. Karamihan sa mga pinsala at pagkalugi ay ang mga punla at bagong tanim na palay.
Lahat ng ito ay naitala ng DA Regional Field Offices sa CALABARZON at MIMAROPA.
Nagsasagawa pa ng assessment ng pinsala ang DA sa agriculture at fisheries sector.
May koordinasyon na rin silang ginagawa sa concerned NGAs, LGUs, at iba pang DRRM-related offices kaugnay sa epekto ni bagyong #EgayPH.| ulat ni Rey Ferrer