Dagdag na guidelines sa araw ng SONA, inilabas ng House Secretary General

Facebook
Twitter
LinkedIn

Naglabas ng panibagong guidelines ang Office of the House Secretary General para sa araw ng State of the Nation Address sa July 24.

Kabilang sa panuntunan, ay kinakailangan magpresenta ang lahat ng papasok sa Batasan Complex ng vaccination card na magpapatunay na sila ay fully vaccinated na laban sa COVID-19.

Kung ang indibidwal ay hindi bakunado, kailangan naman ito magsumite ng negative RT-PCR test na kinuha sa loob ng 48 oras bago ang naturang event.

Samantala, tanging ang mga guest na mayroong SONA invitation at seat card lang ang maaring pumasok sa plenaryo simula alas-2 ng hapon.

Pagsapit ng alas-3 ng hapon o pagdating ng Pangulo sa lugar ay isasara na ang lahat ng gate sa Batasan.

Bubuksan na lamang muli ito kapag nakaalis na ang Pangulo.

Ipatutupad din ang “NO SONA 2023 Car Pass, No Entry”.

Ang mga sasakyan na binigyan ng kulay beige, violet, at blue na car pass ay maaaring pumasok sa South gate samantalang ang iba pa ay sa North gate. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us