Dalawang bata ang namatay sa bayan ng Jolo dulot ng malnutrisyon

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nakapagtala ang Rural Health Unit (RHU) sa bayan ng Jolo ng dalawang bata na pumanaw mula sa barangay Tulay dulot ng kakulangan sa nutrisyon para sa taong 2023.

Kaugnay nito, ayon kay Mina Udjah, Nutrition Coordinator ng RHU Jolo, gumagawa sila ng mga hakbang upang hindi na madagdagan pa ang bilang ng mga batang namamatay dahil sa kakulangan ng nutrisyon.

Dagdag ni Udjah, pinapaigting nila ang operation timbang katuwang ang mga nars mula sa Barangay Health Station upang puntahan ang mga bata sa bawat barangay hanggang sa kani-kanilang tahanan upang siguruhin na maagapan ang malnutrisyon kung saan ang mga bata ay di hamak na mas maliit kumpara sa kanilang edad.

Aniya, nagsasagawa din sila ng feeding program at patuloy na susuriin kung nadagdagan ba sa wastong timbang ang mga ito sa loob ng anim na buwan.

Sa ngayon ani Udjah, bagama’t mayroon silang naitalang 15 bata kabilang sa Moderate Acute Malnutrition sa ilalim ng kanilang konsultasyon, patuloy nilang binibigyan ng Nutributter, isang nutritional supplement na maaring ipakain sa mga bata at may mga mangilan-ngilan mula sa barangay Tulay ang natulungan na nila.

Siniguro naman ni Udjah, na bukas ang serbisyo ng RHU sa mga nanay na nais kumonsulta upang matulungan pa nila ang mga ito lalong lalo na kaugnay sa naturang problema na nararanasan hindi lamang sa Sulu kundi maging sa iba pang bahagi ng Pilipinas.| ulat ni Mira Sigaring| RP1 Jolo

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us