DAR, pinabibilis ang parselisasyon ng lupa sa Negros Oriental

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inaapura na ng Department of Agrarian Reform ang paghahati-hati ng agricultural lands sa lalawigan ng Negros Oriental.

Ginagawa ito sa pamamagitan ng Problem-Solving Session para sa Individual Land Distribution Folder(IDLF) Review.

Ang aktibidad ay ipinatupad sa ilalim ng Support to Parcelization of Land Through Individual Titling (SPLIT) Project.

Layon nitong hati-hatiin ang lupa at makapag-isyu ng indibdwal na titulo sa mga agrarian reform beneficiary na dati nang nabigyan ng lupa sa ilalim ng collective certificate of land ownership award.

Ang lalawigan ng Negros Oriental ay may 187 ILDF na sumasakop sa 7,000 ektarya na nakabinbin pa rin sa provincial office ng DAR.

Ang ILDF ay produkto ng field validation activity ng mga SPLIT implementer, kung saan kinalap ang lahat ng impormasyon sa mga lupa na isasailalim sa parselisasyon. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us