Dating Nat’l Security Adviser Prof. Clarita Carlos, dumipensa na rin para kay Tourism Sec. Frasco

Facebook
Twitter
LinkedIn

Dumipensa na rin si dating National Security Adviser at ngayon ay chief adviser ng House Speaker na si Prof. Clarita Carlos laban sa mga pumumuna kay Department of Tourism (DOT) Secretary Christina Frasco.

Ayon kay Carlos sa higit anim na buwan niyang pagsisilbi sa gabinete, masasabi niyang isa ang Department of Tourism head sa mga innovative at hard-working na miyembro ng gabinete.

“The 6 1/2 months I was in Cabinet, I saw and know that the DOT head is one of the most innovative, vibrant and hard working members. Be fair, please!” saad ni Carlos sa kaniyang Facebook post.

Dagdag pa ni Carlos na mainam na alamin muna ang buong istorya, parusahan ang nagkulang at pumulot ng aral mula sa sitwasyon.

“I am just asking that we find out the whole story…sanction those concerned and derive lessons from this error in judgment…thank you!” dagdag ng propesor.

Ang pahayag ni Carlos ay kasunod na rin ng kontrobersiya sa inilabas na tourism promotion video ng DOT kamakailan.

Nitong Linggo, inamin mismo ng DDB Philippines, ang ad agency na kinuha ng DOT para gumawa ng naturang ‘Love the Philippines’ campaign, na gumamit sila ng stock footage ng ibang mga bansa para sa naturang video. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us