Ibinahagi ni Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Antonia Loyzaga ang 13 hakbang para maabot ng Iloilo City Government ang minimithing Greener Footprint.
Kabilang na dito ang pagsasagawa ng full greenhouse gas inventory, kasama na ang green at blue assets ng lungsod at pag-adopt ng integrated water resource management.
Si Secretary Loyzaga ang keynote speaker ng kauna-unahang Iloilo City Green Architectural Forum, na isang multi-stakeholder forum na nais maisulong ang iba’t ibang green architecture para sa mas environment-friendly na lungsod.
Sa kanyang talumpati, ibinahagi ni Iloilo City Mayor Jerry Treñas, na hangad niya na gawing more livable ang lungsod at ang kanyang dedikasyon sa pangarap na ito ay makikita sa isa sa mga pillar ng kanyang WHEELS development agenda, partikular ang Environmental Management.
Bukod kina Secretary Loyzaga at Mayor Treñas, nagbigay din ng mensahe sina Engr. Liza Silerio, Arch. Paulo Alcazaren, at Arch. Michaela Rossette Santos-Tayag. | ulat ni JP Hervas | RP1 Iloilo
📸 Mayor Jerry Treñas