DENR-WRMO, isinama na rin sa kanilang panawagan ang publiko na magtipid sa tubig

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinalawak pa ng Water Resources Management Office ng Department of Environment and Natural Resources ang kanilang panawagan sa pagtitipid ng tubig.

Sa kanilang direktiba, isinama na ang lahat residente ng National Capital Region at kalapit lalawigan na makiisa sa water conservation

Inatasan ng DENR-WRMO ang lahat ng barangay officials, condominium at subdivision managers na abisuhan ang mga residente na limitahan ang paggamit ng maraming tubig tulad ng pagdidilig sa damuhan at paghuhugas ng sasakyan.

Dapat ding hikayatin ang mga residente na gawin ang pagkolekta ng tubig-ulan at paggamit ng mga pinagbanlawang tubig para sa pagdidilig ng halaman.

Inatasan din ng WRMO ang lahat ng local government units sa NCR na mabilisan ang pag-apruba sa pipe repairs ng water concessionaires na Manila Water at Maynilad.

Nauna rito naglabas ng guidelines ang WRMO para sa lahat ng government offices na magpatupad ng pagtitipid ng tubig ngayong panahon ng El Niño. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us