Hiningan ni Senate Basic Education Committee Chairman Sherwin Gatchalian ng strategic plan ang Department of Education (DepEd) para sa pagpapatupad ng mother tongue-based multilingual education program (MTBML).
Sa naging pagdinig sa senado, inahayag ng senador na ilang taon na itong ginagawa pero tila walang plano kung paano ito ipapatupad ng maayos.
Ayon kay Gatchalian, dapat maipakita ng ahensya kung magkano ang kailangan, paano at gaano katagal maipapatupad ang lahat ng 172 na lenggwahe sa mga paaralan.
Sa pagtaya naman ni Dr. Rosalina Villaneza, chief education program specialist ng DepEd, posibleng abutin ng higit P12 billion ang kailanganin para sa naturang programa.
Kabilang na dito ang para sa produksyon ng mga learning materials sa iba’t ibang lenggwahe at training ng mga guro.| ulat ni Nimfa Asuncion