Magsasagawa ang Department of Education (DepEd) ng National Learning Camp o NLC ngayong bakasyon sa eskwela ang mga mag-aaral.
Ayon sa DepEd, ang NLC ay isang voluntary learning recovery program na may pangunahing layunin na mapaunlad ang performance ng mga mag-aaral at mapalakas ang kapasidad ng mga guro.
Nakatuon para sa Grade 7 at Grade 8 ang NLC ngayong taon, kung saan mas higit na matututo ang mga mag-aaral sa English, Science, at Mathematics.
Ito ay sa pamamagitan ng iba’t ibang camp kabilang ang Enhancement, Consolidation, at Interventions camps na tutuon sa pangangailangan ng mga mag-aaral.
Nilinaw naman ng DepEd, na maaari ring magsagawa ng NLC ang mga paaralan sa Reading at Mathematics para naman sa Grade 1 hanggang Grade 3.
Sisimulan ang National Learning Camp sa July 24 hanggang sa August 25. | ulat ni Diane Lear