DepEd, nagdaos ng Disaster Resilience Forum ngayong National Disaster Resilience Month

Facebook
Twitter
LinkedIn

Upang matiyak na sapat ang kapasidad ng ahensya sa gitna ng mga sakuna at emergency, nagsagawa ang Department of Education o DepEd ng orientation at forum kaugnay sa mga konsepto ng Public Service Continuity Plan.

Layon ng forum na matiyak na walang patid na operasyon at mas mahusay na pagtugon ng mga opisyal at kawani ng DepEd sa oras ng anumang disruption, emergency, o kalamidad.

Ayon kay DepEd Disaster Risk Reduction and Management Service Director Atty. Christian E. Rivero, ang buwang ito ay nagpapaalala kung ano ang mga dapat gawin sa panahon ng kalamidad at sakuna.

Kabilang sa mga tinalakay sa pulong ang kahalagahan ng pagiging handa na makakatulong sa pagsagip ng mga buhay, pagbawas ng pinsala at gastos para sa recovery, pag-iwas sa pagkasira ng mga ari-arian, pagtiyak ng katatagan ng komunidad, at ekonomiya, at pagpapahusay ng kakayahan sa disaster response.

Ang nasabing aktibidad ay bahagi rin ng pagdiriwang ng National Disaster Resilience Month ngayong Hulyo. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us