Nakikiisa ang Department of Education (DepEd) sa pagsusulong ng mga kaaalaman hinggil kahalagahan nang maayos na nutrisyon ngayong Nutrition Month.
Ayon sa DepEd, inatasan na nito ang lahat ng mga tanggapan nito kabilang ang regional, schools division office, at mga paaralan mapa-pribado o pampublikong eskwelahan na suportahan ang gagawing nutrition month activities.
Layon ng naturang pagdiriwang na may temang Healthy Diet, Gawing Affordable for All” ang pagkakaisa at pagpapalakas ng seguridad at mga programang may kaugnayan sa pagkain at nutrisyon na magbibigay sa mga Pilipino ng mas maayos na access sa malusog, ligtas, at murang pagkain.
Kabilang sa mga ilulunsad na aktibidad ng kagawaran ang pagsasagawa ng mga seminar, webinars, lectures, at exhibits na may kinalaman sa maayos na nutrition para sa mga mag-aaral at pamilya nito.
Batay sa Presidential Decree No. 491 series 1974, idineklara ang Hulyo bilang Nutrition Month at ipinagdiriwang ito kada taon upang mapataas ang kamalayan ng publiko hinggil sa kahalagahan nang maayos na nutrisyon. | ulat ni Diane Lear