DepEd, pinasisimulan na ang School Building Program Monitoring System

Facebook
Twitter
LinkedIn

Binigyang-diin ng Department of Education (DepEd) ang kahalagahan ng pagtutulungan ng gobyerno at civil society organizations (CSOs) sa isinasagawang pilot roll-out ng School Building Program Monitoring System.

Sa pangunguna ng School Infrastructure and Facilities strand, nakipagpulong ang DepEd sa iba’t ibang CSOs para ipakilala ang bagong monitoring system.

Ito ay isang hakbang upang matugunan ang mahahalagang isyu na may kinalaman sa gusali ng mga paaralan.

Ayon kay Education Undersecretary Epimaco Densing III, mahalaga na matugunan ang learning gaps sa basic education.

Ani Densing, batay sa pag-aaral mas napapabuti ang learning capacity ng mag-aaral na tinuturuan sa isang regular classroom.

Dagdag pa ng opisyal, kailangan na agad itong matugunan upang maiwasan ang iba pang problema na makakaapekto sa ekonomiya ng bansa sa hinaharap gaya ng quality of life at literacy rate. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us