Nakikiisa ang Department of Education (DepEd) sa layunin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na mabigyan ng magandang edukasyon ang mga kabataang Pilipino.
Sinabi ito ng DepEd kasunod ng matagumpay na State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Marcos Jr. kahapon, kung saan binigyang diin ng Pangulo ang kaniyang hangarin na mapabuti pa ang buhay ng mga Pilipino.
Pagtitiyak ng kagawaran, gagawa ito ng mga reporma para mapabuti pa ang ginagamit na curriculum ng DepEd.
Gayundin ang pagbibigay ng agarang serbisyo sa sektor ng edukasyon at pagtiyak sa kapakanan ng mga estudyante at mga guro, alinsunod sa direktiba ng Pangulo.
Una na ring nagpahayag ng suporta si Pangulong Marcos Jr. para sa Matatag Education Agenda ng DepEd. | ulat ni Diane Lear