Muling iginiit ni Finance Secretary Benjamin Diokno na kanilang isinusulong ang pagsasabatas ng proposed tax revenue measures sa ilalim ng Medium-Term Fiscal Framework (MTFF).
Sa isinagawang Post-SONA Discussion, sinabi ni Diokno na kabilang dito ang Passive Income and Financial Intermediary Taxation Act, value-added tax (VAT) sa non-resident digital service providers, excise taxes single-use plastics at pre-mixed alcoholic beverages.
Aniya, inaasahan itong maipatutupad sa susunod na taong 2024.
Paliwanag ni Diokno, ang mga panukalang tax revenue measure ay idinisenyo na ng Department of Finance upang makamit ang mga hangarin ng Marcos Jr. Administration sa taong 2028.
Dagdag pa ng kalihim, patuloy nilang paghuhusayin ang reporma sa pangongolekta ng buwis upang mas maging episyente.
Samanatala, tiniyak ng Finance Chief na patuloy nilang tinatrabaho sa ngayon ang credit upgrade ng Pilipinas at ito ay ang “road to A.”
Pagbibigay-diin ni Diokno, kapag naipatupad ang mga structural reform na magpapalakas ng ating fiscal position gaya ng MUP pension, rightsizing, at tax reform; kwalipikado na tayo sa ‘A’ rating mula sa ibat ibang international credit rating agencies. | ulat ni Melany Valdoz Reyes