Iniutos na ng Department of Tourism (DOT) ang malalimang imbestigasyon matapos mag-viral ang diumano’y paggamit ng stock video na kinunan sa ibang bansa para sa kalalabas lamang na promotional video para sa “I Love The Philippines” campaign.
Sa Facebook post ni Tourism Secretary Christina Frasco nitong weekend, paulit-ulit huminigi ng kumpirmasyon ang ahensya mula sa DDB Philippines hinggil sa originality at ownership ng lahat ng materyal na ginamit sa video.
Samantala, humingi ng paumanhin ang DDB Philippines at inako ang responsibilidad sa pangyayari.
Gayunpaman, nilinaw ng DOT na walang ginastos ang ahensya para sa produksyon ng nasabing video. Nauna nang sinabi ni Frasco na aabot sa ₱49 milyon ang ginastos ng ahensya para sa bagong tourism slogan ng bansa. | Gab Humilde Villegas