Nakipagpulong si DFA Undersecretary for Security and Consular Affairs Jesus “Gary” Domingo kay United Nations Office for Disaster Risk Reduction for Asia and the Pacific Chief Marco Toscano-Rivalta upang talakayin ang posibleng kooperasyon at mga inisyatiba pagdating sa Disaster Risk Reduction (DRR).
Sa nasabing pagpupulong, ipinahayag ni Undersecretary Domingo kay Chief Toscano-Rivalta na ang pagtuklas sa DRR efforts ng Pilipinas at ng UNDRR ay napapanahon dahil ang Pilipinas ang magho-host ng 2024 Asia-Pacific Ministerial Conference for Disaster Risk Reduction (APMDRR).
Sinabi naman ni Chief Toscano-Rivalta na ang pag-promote ng DRR sa pribadong sektor ay maaaring makatulong sa pagpapakilos at pag-impluwensya sa business entities na isaalang-alang ang mga elemento ng DRR sa kanilang corporate governance.
Ang ‘Making Cities Resilient 2030’ ng UNDRR ay nakatuon sa pagsuporta sa mga lungsod sa pamamagitan ng paggawa ng mga roadmap at pagbuo ng mga partnership para maging mas matatag, ay maaari ding gamitin bilang gabay ng mga lokal na pamahalaan upang ipatupad ang DRR agenda. | ulat ni Gab Humilde Villegas