DFA, ikinalugod ang pagdami ng mga bansang sumusuporta sa Arbitral Ruling na naipanalo ng Pilipinas

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ikinalugod ng Department of Foreign Affairs ang pagdami ng mga bansang sumusuporta sa Arbitral ruling na naipanalo ng Pilipinas, pitong taon na ang nakakaraan.

Sa isang pahayag, sinabi ni Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo na ikinararangal ng bansa na magsilbing giya ang ruling sa lahat ng mga bansa, kung saan maituturing na landmark at kontribusyon ng Pilipinas ang ruling sa larangan ng international law.

Sinabi rin ng kalihim na pinili ng Pilipinas na idaan sa prinsipyo, rule of law, at mapayapang pagresolba ang paghahain ng arbitration case sa The Hague.

Dagdag pa ni Manalo, patuloy na magsisilbing liwanag ang arbitral ruling para sa lahat ng mga nagnanais na maresolba ang mga sigalot sa mapayapang paraan at para rin sa mga nais magpatupad ng rules-based international order.

Sinabi rin nito na patuloy na isasalin ang mga positibong resulta ng Arbitral ruling sa mga positibong tagumpay upang matiyak ang lehitimong interes ng bansa sa maritime domain nito, at itaguyod ang kapayapaan, seguridad, at kaunlaran sa rehiyon. | ulat ni Gab Humilde Villegas

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us