DFA, inanunsyo ang mas maiksing turnaround time sa pag-proseso ng mga pasaporte

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inanunsyo ni Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo na simula Lunes ay magiging maiksi na ang turnaround time sa pag-proseso ng mga pasaporte sa National Capital Region.

Mapapaiksi na sa 10 working days ang regular application mula sa dating 12 working days at five working days na lamang ang turnaround time para sa expedited applications mula sa dating seven working days.

Sa ibang consular offices, ang passport applicants ay matatanggap ang kanilang mga pasaporte ng 12 working days mula sa dating 15 working days para sa regular applications; at para naman sa expedited applications ay seven working days mula sa dating eight working days.

Ang pagbabawas ng turnaround time para sa pagproseso ng mga pasaporte ay bahagi ng pagsisikap ng DFA na mapabilis ang pagbibigay nito ng serbisyo sa publiko. | ulat ni Gab Humilde Villegas

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us