Nagpasalamat ang Department of Foreign Affairs (DFA) kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa pagsuporta nito sa pagtatangol ng DFA sa sovereign rights at tertiorial integrity ng bansa.
Sa isinagawang Post Sona Forum kahapon, sinabi ni DFA Undersecretary Antonio Morales na magandang indikasyon ang sinabi ng Pangulo sa kanyang naging SONA nitong Lunes na pagpapahayag ng suporta sa pagdepensa ng soberanya at teritoryo ng bansa.
Sa huli ani Morales na makakaasa ang ating Pangulo sa pagsuporta ng DFA sa patuloy na paglaban at pagprotekta sa teritoryo ng Pilipinas. | ulat ni AJ Ignacio