DFA, tiniyak ang tulong sa nasawing OFW sa Hong Kong

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nakikipag-ugnayan na ngayon ang Konsulada ng Pilipinas sa Hongkong sa pamilya ng nasawing Pilipino roon.

Ito’y matapos matagpuang palutang-lutang ang nasabing labi sa pantalan sa tulong na rin ng sumbong ng isang concerned citizen.

Ayon kay Office of Migration Affairs Assistant Sec. Paul Cortez, nasa ‘stage of decomposition’ na ang labi ng naturang Pinoy nang makita ito.

Natukoy aniya ang pagkakakilanlan ng nasabing Pilipino sa pamamagitan ng mga ID na natagpuan sa kaniyang katawan.

Dahil dito, nakikipag-ugnayan na rin ang Konsulada sa employer ng naturang Pilipino para sa agarang pagpapauwi ng labi nito sa bansa.

Hinihintay na rin ng Konsulada ang ulat ng Hong Kong Police hinggil sa iba pang detalye ng pagkamatay ng naturang Pilipino. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us