Walang nakikitang masama ang Department of Foreign Affairs (DFA) na maipalabas ang pelikulang “Barbie” sa Pilipinas.
Ito ang inihayag ng kagawaran matapos maglabas ito ng isang pormal na opinyon matapos payagan ng ang pagpapalabas nito sa bansa.
Magugunitang hinarang ng bansang Vietnam ang nabanggit na pelikula makaraang ipakita sa isa sa mga eksena rito ang umano’y 9-dash line ng China sa West Philippine Sea (WPS).
Ayon sa DFA, nagpapasalamat sila sa pagkakataong ibinigay ng MTRCB na makasama sa isinagawang joint screening nito para malaman ang usaping bumabalot sa naturang pelikula.
Matapos anila ang masusing obserbasyon sa kabuuan ng pelikula, sinabi ng kagawaran na hindi sila kumbinsido na ang ipinakitang mga linya sa imaginary map ay tumutukoy nga sa 9 dash line ng China.
Magugunitang sumabay ito sa ika-7 anibersaryo ng pagkapanalo ng Pilipinas laban sa China sa International Court of Arbitration sa the Hague na nagbabasura sa 9-dash line.
Kasabay nito, tiwala ang DFA sa MTRCB na ginagawa nito ang ng maayos ang kanilang mandato kaya’t para maiwasan ang anumang maling interpretasyon kaya’t naglabas sila ng ganitong pahayag.| ulat ni Jaymark Dagala