Iminungkahi ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) ang pagtatayo ng 500,000 housing units sa loob ng New Clark City sa Tarlac sa ilalim ng Pambansang Pabahay para sa Pilipino Housing Program.
Kapag ganap nang madevelop ang lugar, asahan nang maging tahanan ito ng 1.2 milyong Pilipino.
Sang-ayon naman sa proyekto sina Bases Conversion and Development Authority (BCDA) Chairman Delfin Lorenzana, at BCDA President and Chief Executive Officer Engr. Joshua Bingcang.
Katunayan, isang Memorandum of Agreement na ang nilagdaan ng DHSUD at BCDA para sa partnership ng programa.
Binanggit ni Secretary Acuzar ang malaking potensyal ng New Clark City sa mga tuntunin ng township developments sa ilalim ngpabahay program na maaaring magbukas ng malawak na oportunidad sa ekonomiya.
Ang lupain na pagtatayuan ng pabahay projects ay may lawak na 9,450 ektarya. | ulat ni Rey Ferrer