DHSUD, nagpasalamat kay Pangulong Marcos Jr. sa pagbida sa housing projects sa kaniyang ikalawang SONA

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagpasalamat si Department of Human Settlements and Urban Development Secretary Jose Rizalino Acuzar kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa pagbida nito sa mga tagumpay ng Pambansang Pabahay para sa Pilipino Housing Program na halos nakaka-isang taon na ang implementasyon.

Batay sa ulat ng DSHUD, lumagda na ang housing department ng Memoranda of Understanding sa may 171 na local government units at nakapagsagawa ng 27 groundbreaking activities.

Sa mga tinukoy na housing projects sa buong bansa, halos 20 ang nasa initial stages ng ground works at construction.

Target na mai- turnover ang inisyal na 4PH housing units sa huling bahagi ng 2024 o unang bahagi ng 2025.

Ayon kay Acuzar, nasa 6.5 million na housing units ang kailangang maipatayo.

Plano naman ng ahensya na makapagtayo ng isang milyong pabahay kada taon hanggang sumapit ang 2028. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us