Ilulunsad ng Department of Migrant Workers o DMW ang digital OFW Pass kapalit ng tradisyonal na Overseas Employment Certificate o OEC.
Layon nitong mapabilis ang exit clearance ng mga Overseas Filipino Worker na may aktibong kontrata.
Ayon kay Migrant Workers Undersecretary Hans Leo Cacdac, mas magiging accessible at mas madali na ang proseso sa pagkuha ng pass o clearance sa tulong ng ilulunsad na digital OFW Pass.
Ani Cacdac, hindi na kakailanganin ang onsite processing ng OECs dahil maaari nang i-upload ng OFW ang lahat ng kinakailangan impormasyon sa digital app gamit ang kanilang smart phone.
Dagdag pa ng opisyal hindi na rin kailangan na magbayad ang P100 fee para sa OFW Pass gaya ng sa OEC.
Ayon sa DMW ang OFW Pass ay libreng makukuha online sa pamamagitan ng DMW Mobile app at valid ito hanggang sa matapos ang kontrata ng OFW. | ulat ni Diane Lear