Director ng NBI, humingi ng paumanhin sa publiko dahil sa insidente ng pagpapasayaw ng babae sa kanilang command conference 

Facebook
Twitter
LinkedIn

Humingi ng paumanhin sa publiko ang National Bureau of Investigation (NBI) dahil sa insidente ng pagpapasayaw sa command conference, na nangyari noong nakaraang linggo. 

Mismong si NBI Director Menardo de Lemos ang humarap sa media para ipaabot ang kanilang paumanhin sa naturang insidente. 

Ngunit nilinaw niya, hindi sa panahon ng command conference nangyari ang pagpapasayaw kung hindi sa isang fellowship. 

Aminado si De Lemos, nandoon siya noong magsimula ang fellowship pero maaga daw siyang umuwi at hindi na niya nakita ang pagpapasayaw ng babae. 

Kung sakaling naroon naman daw siya, hindi siya papayag na mangyari yun. 

Dahil dito, nagsagawa na siya ng internal investigation para alamin kung sino ang namuno para sa nasabing live show. 

Tiniyak niya sa publiko, na papatawan ng karampatang parusa ang nasa likod ng nasabing insidente. | ulat ni Michael Rogas

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us